Ganern, Mommy Divine?.. Post-wedding reception nina Sarah at Matteo, top secret uli
- Erlinda Rapadas
- Mar 1, 2020
- 2 min read
Erlinda Rapadas /Teka Nga

May pinaplanong wedding reception sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa kanilang mga showbiz friends. Gagawin ito sa isang undisclosed na lugar at top secret daw kung kailan.
Ang wedding coordinator na mag-aayos ng event ay mahigpit na pinagbilinan na walang ilalabas na detalye tungkol sa wedding reception kahit kanino.
Marami ang nagsasabi na baka bago pa bumiyahe pa-Italy sina Sarah at Matteo, gaganapin ang post-wedding reception ng AshMatt.
Well, mag-aabang naman ang lahat kung magkakaayos na sina Sarah at ang pamilya niya bago ang post-wedding reception. At baka rito na dumalo ang pamilya Geronimo. Sana nga.
****
Hindi maiwasan ng mga netizens na ikumpara si Mommy Pinty Gonzaga kay Mommy Divine ni Sarah Geronimo.
Si Mommy Pinty, alam ng buong showbiz circle na sobra rin ang higpit at istrikto noon sa mga manliligaw ni Toni Gonzaga. Kahit na nasa tamang edad na ito upang ligawan at magka-boyfriend, todo-bantay pa rin si Mommy Pinty sa mga nagpaparamdam sa kanyang dalaga.
Mahigpit na rule ni Mommy Pinty sa mga suitors ni Toni, kailangang dumalaw sa kanilang bahay at hindi sa labas lang kakatagpuin ang anak. At sa mga lakaran, laging may chaperone si Toni.
May kuwento pang nakakaaliw si Toni na kapag dumadalaw noon si Paul Soriano sa kanilang bahay, nakabantay pa rin ang kanyang parents. Pero dahil totoo ang intensiyon ni Direk Paul kay Toni, nakapasa siya sa mga pagsubok at tinanggap ng parents ng magandang aktres hanggang sa mauwi ang lahat sa pagpapakasal.
Hindi rin mahigpit si Mommy Pinty kung may gustong bilhin si Toni kahit siya ang humahawak ng kinikita ng anak (na maingat niyang ini-invest). Nakakabili si Toni ng mga bagay na gusto niya. May allowance rin siyang ibinibigay ni Mommy Pinty.
So, malayung-malayo kung pagkukumparahin sina Mommy Pinty at Mommy Divine kaya todo-depensa si Toni sa akusasyon ng iba na nakikisawsaw ang mommy niya sa gusot na nangyari sa secret wedding nina Sarah at Matteo Guidicelli.
Hindi nagko-comment at hindi raw nagpapa-interview si Mommy Pinty sa sinumang reporter at never daw itong makikialam sa usaping personal ng iba.





Comments