Ex-Kagawad, huli sa shabu, boga at granada
North Cotabato — Inaresto ng mga awtoridad ang isang dating kagawad nang makumpiskahan ng shabu, baril at granada kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Makilala.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruel Lastimado, dating kagawad at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Lastimado at dito nakumpiska ang 12 pakete ng shabu, Uzi na may lamang mga bala at hand grenade.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms, ammunition and explosives.





Comments