After ng kasal nila ni Matteo, todo-enjoy sa mister… Sarah, 'di pa bumabalik kay Mommy Divine
Nitz Miralles / Bida

Tinanong namin si Mr. Vincent del Rosario kung may movie project sila kay Sarah Geronimo? After the Unified concert ay may nakatakda dapat silang pag-usapan, kaso, nagkagulo na dahil sa kasal nito kay Matteo Guidicelli.
As it is, hindi pa nila nakakausap si Sarah pati ang mom nitong si Mommy Divine.
Nagulat din sina Boss Vincent, Mr. Vic del Rosario at ang buong Viva na ikinasal na sina Sarah at Matteo dahil ang alam nila ay sa March pa.
Nalaman lang ni Boss Vic ang big event ng dalawa nang tawagan siya dahil nagkagulo na nang dumating ang madir ni Sarah.
Sa ngayon, ini-enjoy muna ni Sarah ang pagiging wife ni Matteo at madalas ang sightings sa kanilang dalawa. After mamili ng dinnerware sa Rustan’s na regalo raw ni Dra. Vicki Belo, nakita silang naggo-grocery sa Rustan’s Marketplace sa loob ng Forbes Park.
Kita ang saya sa mga mukha ng mag-asawa at ngayon lang yata nakapag-grocery si Sarah.





Comments