top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tara Run N’Apo, Sili Run ng Green Media Events, aarangkada

A. Servinio
Feb 29, 2020
1 min read

Photo: Tara Run N APO

Humanda na at sumali, tumakbo sa “Tara Run N’APO” ngayong Hunyo 28, 2020 sa Cultural Center of the Philippines.

Ang patakbo na ito ay handog ng APO Runners sa tulong ng Green Media Events.

Ang karerang ito ay tutulong sa Learners with Special Education Needs (LSEN). Naniniwala sila na ang palakasan at kalusugan ay para sa lahat lalo na ang mga kabataan na may espesyal na pangangailangan.

Ang mga kategorya ay 21-km, 10-km at 5-km. Lahat ng magtatapos ay sasabitan ng medalya habang bibigyan ng t-shirt ang mga tatakbo ng 21-km at 10-km.

Maaaring magtungo sa SM Malls Garmin. May online registration din sa Facebook Page ng Tara Run N’Apo.

Kung hindi makakapunta sa lugar mismo ng karera, puwedeng sumali sa kasabay na virtual run kung saan makakamit din ang parehong medalya at t-shirt.

Ang virtual run ay bukas sa 21-km at 10-km lang at tumatanggap lang ng kalahok sa pamamagitan ng online registration.

Samantala, lalong umiinit sa dami ng sumasali ang dalawang iba pang parating na karera ng Green Media na “Sili Run” sa Abril 26 at “Fire Run” sa Mayo 31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page