top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nabili lang ng P388 million... Mansiyon ni Sen. Pacquiao sa Forbes Park, for sale ng P2 billion

Vinia Vivar
Feb 29, 2020
1 min read

For sale pala ang mansiyon ni Sen. Manny Pacquiao sa Forbes Park, Makati at naka-feature sa wheninmanila.com. Naka-list din ito sa marketplace ng Facebook. Sobrang nakakalula ang presyo ng mansiyon dahil nagkakahalaga ito ng P2 billion.

Ang nasabing mansiyon ni Pacman ay matatandaang nabili niya in 2011 sa halagang P388 million at ilang beses na rin itong na-feature sa mga magazines, newspapers and news portals. Ito rin ‘yung madalas i-post ni Jinkee Pacquiao last year na ipinapa-renovate nila.

Ang magarbong mansiyon ay may lot area na 1,525 square meters, floor area na 2,000 square meters, 3-storey with 5 bedrooms, 5 bathrooms and 10 car parking garage.

Nakalagay din sa description ng house and lot sa Marketplace na ‘It is being owned by a famous celebrity’ na bagama’t hindi binanggit kung sino ay makikitang naka-display ang larawan ng boxing legend.

In fairness to Pacman, alam niya kung saan niya ilalagay ang kanyang pera.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page