Konduktor, timbog sa shabu
General Santos City — Inaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ang isang konduktor kamakalawa sa Bgy. Dadiangas North.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Archie Arevalo, nakatira sa Bgy. San Isidro. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa bus terminal sa nasabing lungsod at nang pagbentahan ng shabu ni Arevalo ang mga operatiba ay dito na siya dinakip ng mga awtoridad.
Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek. Nakapiit na si Arevalo na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments