top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Ang tanong, hawak ba ng Pop Princess? Sarah, may P500 million investments na

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 29, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

Marami pang side information at issues ang nahahalungkat matapos ang most talked-about secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Bukod pa sa diumano’y pagtutol noon ng Pop Princess sa gusto ni Mommy Divine na magkaroon ng prenuptial agreement bago magpakasal ang anak sa aktor na si Matteo, naungkat na rin kung magkano na ang worth ngayon ng singer-actress.

Sa tagal na niya sa showbiz na mahigit nang dalawang dekada, milyun-milyon na ang kinita ng Pop Princess sa kanyang mga pelikula, TV shows, concerts, recordings, atbp., bukod pa sa malalaking product endorsements na kanyang tinanggap.

Ang pinakamababang talent fee ni Sarah sa commercial ay P5 M kaya hindi na nakakapagtaka kung may P500 M investments na siya sa mga properties na binili ni Mommy Divine.

Isang reliable source nga ang nagsabing ‘yung malawak na area sa Mindanao Ave. ay halos nabili nang lahat ni Mommy Divine at malalaking establishments ang umuupa ngayon sa nasabing commercial area.

Kahit 10 years, hindi kayang ubusin ng pamilya ni Sarah ang kinikita sa property na ‘yun along Mindanao Ave..

Ang tanong, nasa pangalan kaya ni Sarah ang lahat ng kanyang naipundar na properties?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page