Tikom ang bibig sa ex-mister… Lumabas: Sheryn, Pinay celeb ang bagong karelasyon?
- Julie Bonifacio
- Feb 28, 2020
- 2 min read

Present kami sa taping ng Tonight with Boy Abunda kung saan guest ang singer na si Sheryn Regis last Monday.
Sa teaser ng show, may nabanggit about Sheryn’s love life — past and new. We have a source kasi na ibinalita sa amin ang tungkol sa love life ni Sheryn. Akala nga namin, whe she came back to the Philippines (again) ay may aaminin na siyang bagong karelasyon.
So, inabangan talaga namin ang interbyu ng TWBA host na si King of Talk Boy Abunda kay Sheryn. But we’re kinda disappointed when Sheryn said that she’s not yet ready to admit or make kuwento about her love life.
Hindi rin niya inamin kung sila pa rin ng mister niya na dating vocal coach and manager niya. Naintindihan naman namin ang reason ni Sheryn for not admitting what’s true sa kanila ng hubby niya. It’s for the sake of their 17-year-old daughter na nakatira sa U.S..
Couple of years ago, nainterbyu namin ang isang mayamang Pinay na naka-based sa U.S. na ang claim ay nilapitan siya ni Sheryn para humingi ng tulong. Hanggang sa sinabi pa ng mayamang Pinay na nagkaroon sila ng espesyal na relasyon ni Sheryn. At the same time, malungkot niyang ikinuwento na ‘di na nakikipag-communicate at nagpapakita sa kanya ang singer.
And then, nanahimik ang isyu nilang dalawa. Until nu’ng last quarter of 2019, may nabalitaan kami na babalik na ulit ng ‘Pinas si Sheryn.
Bukod sa kanyang concert, ilalahad din daw ni Sheryn ang naging karamdaman niya while she’s in America na naikuwento naman niya sa publiko during her press conference.
Kahit sa TWBA, sinabi ni Sheryn kay Kuya Boy na nagkaroon siya ng cancer sa throat at himalang gumaling. Pero hindi binanggit ni Sheryn ang tungkol sa kanyang love life.
Although, a source has already told us na meron nga raw bagong karelasyon na Pinay celebrity din si Sheryn ngayon. ‘Di lang namin sure kung sa US sila nagkakilala o dito sa ‘Pinas.
Knows namin ang Pinay celeb at minsan nang nainterbyu. Na-sight din namin siya na palakad-lakad sa studio ng TWBA that night nang nag-guest si Sheryn. Ganern!





Comments