Super-hapi bilang mag-asawa, Mommy Divine… Sarah at Matteo, nagsa-shopping na ng mga gamit sa bahay
- Vinia Vivar
- Feb 28, 2020
- 1 min read

Spotted ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na namili ng glassware sa department store by no less than Dra. Vicki Belo. Ipinost niya ito kahapon sa kanyang Instagram account kasama ang video ng bagong kasal habang nagsa-shopping.
Hindi namin alam kung kasama ba talaga si Dra. Vicki ng mag-asawa or nagkita lang sila by chance sa department store. Kasama rin ng dermatologist ang kanyang napaka-cute na anak na si Scarlet Snow.
Ayon sa caption ni Dra. Belo, Sarah and Matteo are doing normal husband and wife duties at tinulungan pa sila ni Scarlet na pumili ng glassware.
“So happy to see Mr. and Mrs. Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties. @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much.
“Matteo though is so sweet and patient with her. He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world,” ang kabuuan ng caption ni Dra. Belo.
Maikli lang ang video pero sweetness overload talaga dahil makikitang madalas na magka-holding hands ang bagong kasal habang namimili at may time pa na hinalikan ni Matteo sa noo si Sarah. Makikita rin sa kanila na ang saya-saya nila.
Sa IG Story ni Matteo ay nagpasalamat siya kay Dra. Belo.
Aniya, “Thank you @victoria_belo – we had a great time with you and the family. Thank you for always loving Sarah.”






Comments