top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Salcedo, champ sa Dia De Chess; PHL Team, buo na sa Olympiad

Eddie M. Paez Jr.
Feb 28, 2020
1 min read

Hindi napahiya ang mga ekspertong nagbigay kay Reymond Salcedo ng markang “topseed” matapos niyang sumulong sa trono ng 2020 Dia De Zamboanga Open Chess Tournament bitbit ang walang mantsang rekord sa bakbakang nasaksihan sa KCC Mall De Zamboanga.

Anim na beses sumalang sa board si Salcedo, may rating na 2242, at walang umubra sa talas ng kanyang pag-iisip sa larangan ng standard chess. Tinuruan niya ng malutong na leksyon sina 27th ranked Venice Pauleen Ladores noong unang round, no. 14 Reinier Suson sa round 2, 8th seed Jordan Gadayan (round 3), no. 12 Almurad Diman sa sagupaan noong pang-apat na yugto, pangalawa sa pre-tournament favorite na si Abdulkalip Daggung sa round 5 at si Angelo Michael Camins sa huling araw ng kumpetisyon.

Isang buong puntos sa likod ng kampeon nang magposte ng 2477 na performance rating ay sina second seed Abdulhan Agga (rating:1948), 13th seed Rey Christopher Montano (rating:1814) at no. 11 Joseph Gregana (rating:1840). Nang pairalin ang panuntunan sa tiebreak, sumegunda si Agga habang pumangatlo at pumang-apat sina Montano at Gregana ayon sa pagkakasunud-sunod. Nakuntento na lamang si 2nd seed Daggung sa panlimang posisyon dahil 4.5 puntos lang ang kanyang naipon sa kumpetisyong nilahukan ng 55 na disipulo ng ahedres.

Samantala, kumpleto na ang komposisyon ng Philippine Men’s team na sasabak sa darating na Chess Olympiad. Ito ay binubuo nina Grandmaster Rogelio Barcenilla Jr., GM John Paul Gomez, GM Darwin Laylo, International Master Paulo Bersamina at IM Haridas Pascua.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page