top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lagot na naman sa Kongreso… Pagkakaroon ng aberya sa contest ng It's Showtime, nabuking ni Vice

  • Ronalyn Seminiano
  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nagkaroon ng aberya ang It’s Showtime sa segment nitong Piling Lucky kahapon, Feb. 27.

Pinapili ng mga It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz ang contestant na si Ginalyn Canillo ng isang painting na napupusuan niyang naglalaman ng jackpot prizes na P550,000 o negosyo package.

In-expect ng jackpot player na ang hawak niya ay naglalaman ng malaking suwerte at biniro pa siya ni Vice ng… “Ay, parang nakita ko!” kaya lalong tumalon sa tuwa si Ginalyn.

Nang binuksan na ng player ang painting, halatang nadismaya ito dahil limang kilong bigas lang ang nakuha niya.

Sey ni Vice, “Kasi ‘yung 5, nakita ko, eh. Akala ko P550,000.”

Sey naman ni Teddy, “At least, ‘di na masama, ah.” Para umokey ang feeling ng dismayadong contestant, sey ni Vice, “At least 5 kilong bigas, kailangan natin ‘yan. Congratulations pa rin. Tapos may P6,000 ka pa

kanina, okay? Hindi ka rin talo.”

Ipinakita nila kung nasaan ang P550,000 at binuksan ang painting na naglalaman nito.

Hinanap ni Vice ang isa pang jackpot prize na negosyo package. Sa una nilang binuksan na painting, exhaust fan ang nakalagay kaya nagulat ang comedian-host.

Nagbukas ulit sina Vice ng isa pang painting na stand fan naman ang laman. Sey ni Vice na pumunta na sa gilid, “Oh, ano na talaga? Hay naku, ayoko nang madamay diyan! Tita Cory (Vidanes), sila na po ‘yan, ah!”

Du’n na sinabi ni Vice na ipaasikaso na sa audit ang aberya. Ang siste, lahat ng paintings ay nabuksan pero wala ang negosyo package na isa sa mga grand prizes.

Dahil sa aberya, sabi ni Vice, “Mamaya po, ipapaliwanag nila (audit) sa inyo. Sa ngayon ay magpo-pause muna tayo.”

Natawa sina Jugs at aniya, “Oh, eh, ano’ng gagawin natin? Magkita-kita tayo sa Kongreso, ganu’n? Siyempre, kailangang i-explain nila ‘yan, ‘di ba? They have to explain.”

Sa inilabas na statement ng It’s Showtime management, humingi sila ng sorry sa madlang pipol at sinuwerte pa rin ang Piling Lucky player dahil ibinigay nila ang negosyo package rito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page