Knows mo na ba 'yan, Mommy Divine?.. Kinumpirma ni Matteo: Engrandeng church wedding sa kanila
- Beth Gelena
- Feb 28, 2020
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @scarletsnowbelo
Nakorner ni MJ Felipe ng ABS-CBN News si Matteo Guidicelli na kakakasal lamang sa wife niyang si Sarah Geronimo nu’ng Feb. 20 after niyang manggaling sa isang event. Sey ni MJ, “Kumusta ang feeling na ikaw ay kasal na?”
“Okay naman. The biggest blessing of our lives. We’re very happy,” sagot ni Matteo. “It’s the best day of my life… We’re blessed… we’re all blessed… everything is the same…
I just have somebody beside me all the time,” dagdag pa ng aktor.
Tinanong din ni MJ kung may engrandeng church wedding bang magaganap sa AshMatt sa March o June.
Ngumiti si Matteo saka sinabing “Of course… of course… one day when everything settles down.”
Pero secret daw muna kung sa March o June magaganap ang church wedding. Natanong din ang aktor kung nakapag-honeymoon na ba sila?
“Wala… wala pa… busy pa sa work,” saad nitong nakangiti.
At para sa kaalaman ng lahat kung ano na ang kalagayan ni Sarah, sey ni Matteo, “To the people out there giving us good vibes, we’re all good and this is the happiest we’ve ever been. Thank you… thank you to everybody. We love you.. Thank you..”
Nang matanong ni MJ kung magkasama na sila sa bahay ni Sarah, ngumiti lang ang aktor, sabay sakay na sa kanyang sasakyan.
Samantala, sa pagkumpirma ni Matteo sa kanyang social media account na kasal na nga sila ni Sarah, bumuhos ang congratulatory notes mula sa mga celebrities at mga personalidad ng bansa. Lahat sila ay masaya at natuwa dahil pinatunayan ng AshMatt na ‘love conquers all.’ Pero hindi pa rin maiiwasan ang basher.
Sey ng netizen, “Sana may sit down interview. Napakadamot naman nilang mag-share.
Kelangan pang habulin, eh, public figure naman sila.”





Comments