Kentucky Rain vs. Royal Signal
- Ding Taboy
- Feb 28, 2020
- 1 min read

Sa pagpapatuloy ng pagtikada ng karera ngayong gabi sa Additional One Win in Group races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Bibitawan ang apat na beses ng Condition Race, isang Group Race at isang 3 Year Old Maiden Race na magsisimula ng 7 p.m. Gaya ng una magaganap ang Pick 6, Pick 5, at Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at super six. Aalagwa ang distansiyang 1,400 meters na karera ang CR-(17), CR-(21), 2 CR-22 Group Race (10) at 3YO Maiden Race.
Sa Race 1, unang CR(21) nakalalamang ang Batang Heroes at makakalaban ang Double Time Swing simula ng Pick 6. Sa Race 2, magsisimula ang Pick 5, na nakalalamang ang Born In April samantalang makakalaban ang Bossa Nova at Concepcion.
Sa Race 3 simula ng Pick 4 at nakalalamang ang Royal Signal makakalaban ang Lady Zip at Kentucky Rain at Union Run. Sa Race 4 maglalaban ang Gossips, Quick Little at Star of Nasi kasabay ng Trifecta at Quartet.
Sa Race 5, nakalalamang ang Song for Tata at makakalaban ang Native American, isama sa Trifecta at Quartet ang Dona Susan at Shecan Dance. Sa 3YO Maiden sa Race 6,maglalaban ang Excumunicado, Happy Julliane, Under Pressure, Space Jam at Action Rules at isama sa Quartet, Pentafecta at Super Six. PICK 6- 257/711/351/135/34/182; PICK 5- 711/351/135/34/182; PICK 4- 351/135/34/182





Comments