top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ganern, Mommy Divine?.. Jaclyn, ipinagsigawang never inobliga ang mga anak para matupad ang pangarap

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

May punto rin naman si Jaclyn Jose sa kanyang pahayag sa social media tungkol sa pagpapalaki niya sa kanyang dalawang anak, isa na rito ang aktres din na si Andi Eigenmann na alam ng lahat na nagkaroon ng love child kay Jake Ejercito, si Ellie.

Hindi hinigpitan ni Jaclyn ang kanyang anak at never daw na inobliga ito sa aspetong pinansiyal nang magsimula nang kumita.

Single mom din si Jaclyn at nagawa niyang itaguyod ang dalawang anak sa sarili niyang pagsisikap. Hindi siya nanghingi ng pera sa mga anak. Hindi rin daw siya ang tipo ng magulang na kinokontrol ang buhay ng mga anak.

Hinahayaan niya na magkaroon ng sariling desisyon ang mga ito at kung madapa at magkamali man sila, babangon naman muli.

Kung dati-rati ay sinasabing bratty at matigas ang ulo ni Andi Eigenmann na maagang naging ina, at ngayon ay may anak na sa karelasyong surfer, still, naging maayos naman ang buhay nito at isang mabuting ina. Natutong maging responsable si Andi sa kanyang buhay. Nakakaya nang tumayo on her own. At masaya si Jaclyn sa nakikita niya kay Andi.

Walang gustong tukuyin si Jaclyn at ayaw niyang maakusahang nakikisawsaw pero bilang ina, never niyang inobliga ang kanyang mga anak para tumulong sa katuparan ng kanyang mga pangarap sa buhay. Siya ang inang handang iangat ang mga anak upang magkaroon ng maginhawang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page