Datung at pangkabuhayan, tulong sa mga Pinoy crew sa Japan na apektado ng COVID-19
- Editoryal
- Feb 28, 2020
- 1 min read
Handa na ang mga tulong na ipagkakaloob para sa mga Pilipinong crew ng MV Diamond Princess na inilikas mula sa Japan dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ito ay matapos mapagpasyahan ng Board of Trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang “package of assistance” — financial, transport at livelihood.
Bukod sa naunang tulong-pinansiyal na P10, 000, may inilaan din para sa kanilang transportation assistance mula Maynila hanggang sa makarating sa kanilang probinsiya at may nakahandang P20,000 livelihood grant para sa gusto nang manatili sa bansa.
Sa oras na makumpleto ang mandatory 14-day quarantine sa New Clark City sa Tarlac, matatanggap na ng mga Pinoy crew members ng MV Diamond Princess ang mga nabanggit na ayuda.
Masasabing malaking tulong ito sa ating mga kababayan na naapektuhan ng COVID-19 at makababawas na rin sa kanilang mga alalahanin.
Gayunman, hindi talaga biro ang iniiwang epekto ng COVID-19 mula sa kabuhayan hanggang sa mismong buhay, kaya patuloy nating ipanalangin na matapos na ang epidemyang ito.





Comments