top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktor, nag-deny sa pananapak… Matteo at bodyguard ni Sarah, may posibilidad na pagharapin ni Tulfo

  • Ador Saluta
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Photo: Raffy Tulfo in Action

Malaki ang posibilidad na magkaharap at magkausap sina Matteo Guidicelli at Jerry Tamara na close-in bodyguard ni Sarah Geronimo kapag natuloy na sila’y pagharapin ni Raffy Tulfo sa kanyang TV program na Tulfo in Action.

Ito’y dahil sa kasong isinampa ni Jerry laban sa aktor sa Taguig Police na diumano’y sinapak siya ng aktor na naganap nu’ng araw ng kasalang Sarah at Matteo sa Bonifacio Global City, Taguig last February 20.

Pinaghihinalaan umano ni Matteo na siya ang nag-leak ng kasal kay Mommy Divine na walang kaalam-alam sa mga kaganapan.

Si Raffy Tulfo ang gagawa ng paraan para magkausap at magkapaliwanagan sina Matteo at Tamara, kaya abangan kung magbibigay ng kanyang panig ang aktor na paulit-ulit nang idinenay ang pananapak sa bodyguard ng misis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page