Nag-break dahil ayaw pumayag makipag-sex sa BF, magkakabalikan pa rin
Dear Maestro, Ang problema ko ay tungkol sa pag-ibig dahil kailan lang ay naghiwalay kami ng boyfriend ko.
Pinipilit niya akong mag-motel at mag-sex daw kami, pero tinanggihan ko. Sa galit niya, bigla niya akong iniwan sa kalsada at pakiramdam ko tuloy, nagmukha akong tanga, tapos ang daming mga tao na nakatingin sa amin.
Tapos ngayon, text siya nang text at tawag nang tawag, humihingi ng sorry at gusto niyang magkabati na ulit kami.
Ano ang magandang gawin ko? Dapat ko na ba siyang patawarin para magkabalikan kami?
February 16, 1997 ang birthday ko at October 11, 1994 naman ang boyfriend ko.
Umaasa, Ms. Aquarius ng San Juan, Cainta, Rizal
Dear Ms. Aquarius, Compatible ang zodiac sign mong Aquarius at zodiac sign na Libra ng boyfriend mo dahil ang Libra at Aquarius ay may isang elementong tinataglay at ito ay ang air o hangin.
Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ay weak number na suwetung-suweto ring isama sa birth date na 11 o 2 (ang 2 ay 1+1=2) ng boyfriend mo kung saan dahil ang 7 at 2 ay kapwa itinuturing na weak number, tunay ngang compatible kayo sa isa’t isa. Sa madaling sabi, hindi lang kayo sa zodiac sign o Astrology compatible kundi maging sa Numerology din kaya malaki ang tsansa na muli kayong magkabalikan.
Kaya sa tanong mo kung dapat siyang patawarin o hindi, maliwanag pa sa sikat ng araw ang tugon, kahit ayaw mo siyang patawarin o galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon, wala kang magagawa dahil sa bandang huli, ang takdang kapalaran pa rin ang masusunod.
Sa sandaling natupad ang takdang kapalaran, wala kayong magagawa, tulad ng nasabi na, muli kayong magkakabalikan upang sa ikalawang pagkakataon ay muli ninyong pagsaluhan ang matamis at panghabambuhay na relasyon na nakatakdang mangyari sa buwan ng Marso o unang linggo ng Abril ngayong taon ding ito ng 2020.




Comments