top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mommy Divine, galit na galit, nagmura, anak naitulak pa… Ibinulgar ng Counselor: Nagkapisikalan sa k

Ador Saluta
Feb 27, 2020
4 min read

Sa wakas, nagsalita na rin ang relationship counselor for 6 years nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang Victory Fellowship sa BGC na si Letty Fuentes.

Sa panayam ni MJ Felipe kay Letty na umere sa TV Patrol last Tuesday (February 25), ikinuwento nito ang mga off-cam na kaganapan sa kasalang

Sarah at Matteo nitong February 20, 2020 sa The Fort, Taguig City.

Ayon kay Letty, totoo raw na nabahiran ng iyakan, sigawan at balyahan at tila nagkapisikalan pa sa private reception na ginanap sa Shangri-La, Taguig pagkatapos ng secret wedding nina Sarah (31) at Matteo (29).

Una munang kinlaro ni Letty na ikinasal ang dalawa sa Victory Church sa Fort Bonifacio, Taguig pasado alas-sais ng gabi nu’ng February 20. Isa itong Christian wedding at hindi civil wedding at si Senior Pastor Paolo Punzalan ang nag-officiate ng kasal para kina Sarah at Matteo.

Sa panayam kay Letty, ibinahagi nito at inilarawan ang nangyaring pag-iiskandalo diumano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa mismong reception na ginanap naman sa VIP room sa Shangri-La, The Fort, isang high-end hotel sa Taguig City.

Halos patapos na ang pribadong pagtitipon ng newlyweds at kanilang piling guests nang dumating si Mommy Divine na walang kaalam-alam na ikinasal na ang anak kay Matteo. Sa puntong ito ay nagkagulo.

Kuwento ni Letty, sa Victory Church sila unang nagkakilala ni Sarah at mula noon, naging sumbungan na raw siya ng mga problema ng Pop Princess. “We were so close, sumbungan ng lahat-lahat, I cried with her too,” ayon pa sa maikling paglalarawan ni Letty kung gaano ito ka-close sa singer-actress.

Sa eksklusibo pa ring panayam ni MJ kay Fuentes, ikinuwento nito na nagsisigaw si Mommy Divine nang malamang kasal na sina Sarah at Matteo.

“Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw... Ang lakas. Parang nagmura or something. Kasi magugulat ka.”

Sinabi rin niya na dahil sa galit si Mommy Divine, nais umano nitong sampalin si Matteo.

Umabot daw sa puntong pati si Sarah ay naitulak at natumba habang pinipigilan si Mommy Divine. Nadamay pa umano si Fuentes sa pagtumba ni

Sarah dahil hawak-hawak niya ang dalaga.

Dagdag na kuwento ni Fuentes, “Kasi she (Sarah) was pushed. Kasi inaano niya ‘yung mommy niya, eh... naghahabulan.

“I was holding on [to] her. Pag-push sa kanya, ang layo, gulong... Natumba siya,” at ipinakita ang slight bruises sa kanyang braso na nakuha niya sa pagkakatumba nila ni Sarah.

Mariin namang pinabulaanan ni Fuentes ang alegasyong sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah.

Aniya, “Hindi. Walang brawling du’n. Walang baril. May nabasa pa akong baril.”

Sa bersiyon ng kuwento ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara, sinuntok umano siya ni Matteo sa leeg nang magpang-abot sila sa fire exit ng restaurant.

Pinasundan daw kasi ni Mommy Divine kay Tamara sina Sarah at Matteo nang maalerto ang ina ng singer-actress na umalis na sa private room ng restaurant ang newlyweds.

Ayaw na raw ni Matteo na sumunod si Tamara kay Sarah, pero nakiusap umano ang bodyguard na kausapin muna ng Pop Royalty ang ina nito.

Bilang relationship counselor nina Sarah at Matteo, saksi raw si Fuentes sa hirap na pinagdaanan ng celebrity couple.

Malaking balakid daw talaga sa pag-iibigan ng dalawa si Mommy Divine. “Matteo really had a hard time. Sarah is always confused. She loves him so much, but she’s bombarded by, you know... ‘Ayaw talagang tanggapin (si Matteo),’ she said that to me.

“Sabi ko, ‘Just go on. Wala naman kayong ginagawang masama.’” Ang totoo ay matagal na raw gustong magpakasal nina Sarah at Matteo, pero palagi raw hindi natutuloy ang mga plano dahil sa tutol ang mga magulang ng Pop Royalty.

Lumalabas na tila naging sanhi pa ito ng kamuntikang hiwalayan ng dalawa. “Matteo really pursued. They will cut off, they will be back again. But they’re both in tears most of the time.”

Sinubukan pa raw ni Fuentes na kausapin si Mommy Divine, pero ito na mismo ang nagsabing tutol ang ina na magpakasal sina Sarah at Matteo.

Aniya, “I did many times. ‘What will you do if the two pursue?’

“Basta raw ‘di niya tatanggapin.”

Ang nais daw ng ina ni Sarah ay maghiwalay ang anak at si Matteo. “She [Mommy Divine] was trying to sway me, to advise her [Sarah] to stay off of him. I cannot do that. I will only say things, and the decision will always be from them.”

Dahil maugong ang balitang sa Marso pa ang inaabangang church wedding ng dalawa, maging si Fuentes ay nagulat din nang malaman niyang matutuloy na ang inaasam ng couple nu’ng February 20.

Sey ni Fuentes, “Akala ko, magse-session kami saka dinner. Even the family of

Matteo, one day before lang. All of us.”

Hindi raw napigilan ni Fuentes ang maging emosyonal, lalo pa’t alam niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa.

Sa huli, inilarawan ni Fuentes kung gaano kasaya sina Sarah at Matteo na sa wakas ay masisimulan na nila ang bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

“Happy. Parang nakawala,” sabi pa ni Fuentes.

“I’ve never seen her so confident that day. Talagang ‘yun lang finale ang masakit. Nagbibiruan nga sila sa rites.”

Emosyonal naman daw ang groom na si Matteo.

“Si Matteo naman, naiyak, ‘Finally, she’s mine.’ Matteo really loves her so much,” pagtatapos ni Fuentes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page