top of page

Mga pagkain na ibinibenta sa bangketa, senyales na yayaman na pero dapat manatiling simple ang buhay

  • Socrates Magnus
  • Feb 27, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Virgie na ipinadala sa Facebok Messenger.

Dear Professor, Bakit tungkol sa kamote cue, buko juice, inihaw na pusit at fried chicken na nabibili sa bangketa ang panaginip ko? Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

Naghihintay, Virgie

Sa iyo Virgie, Sabi ng panaginip mo, stay low, as in, mas maganda ang hindi nakalilimot sa mababa. Ayon din sa panaginip mo, ikaw mismo ay malayo at mataas na ang nararating sa buhay.

At kapag nakalimutan mo na minsan kang nabuhay nang hindi mayaman, maaaring maranasan mo ang sinasabing kapag naging mapagmataas ay ibinabagsak.

May ilang tao na mayaman, pero ang suot nila ay mukhang pangmahirap. Sila rin ay kumakain ng mga simpleng pagkain tulad ng isda at gulay.

Kumakain din sila ng karne, pero hindi nila niluluto nang bonggang-bongga o ‘yung mga luto na pang-fiesta.

Gayundin, kadalasan, tubig lang ang kanilang iniinom, samantalang, ang maraming mayaman ay pa-juice-juice pa at parang feel na feel nila na sila ay talagang mayaman.

Simpleng buhay o mababang lifestyle — ito ang ipinauunawa sa iyo ng panaginip dahil ito ang tunay na sikreto ng mga milyunaryo kung saan sila ay hindi nabubuhay sa pagyayabang na kahit ang kanilang personal na buhay ay nananatiling simple lang.

Pero, bakit napanaginipan mo ito? Ayon sa iyong panaginip, ikaw ay malapit na sa pagyaman, kaya huwag mong kalimutan ang nasa itaas na “stay low”.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page