Magsasaka, huli sa shotgun
Tarlac — Dinakip ng pulisya ang isang magsasaka nang makumpiskahan ng shotgun kamakalawa sa Bgy. Patling, Capas.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Andrino Osias, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na may baril na walang lisensiya si Osias kaya agad sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang shotgun at mga bala.
Nakapiit na si Osias na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments