Lovenest nila ni Nadine?.. James, for sale na ang mansiyon ng P85 milyon!
- Beth Gelena
- Feb 27, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Totoo nga bang ibinebenta na umano ni James Reid ang naging love nest nila ni Nadine Lustre sa halos apat na taon ng kanilang pagmamahalan?
Ang nasabing house na three-storey ay for sale raw ng P82 to P85M. Pero, wala pa talagang kumpirmasyon mula sa Fil-Am actor kung ang ibinebenta niyang bahay ay ang naging lovenest nila ni Nadine o hindi. Ngunit, sa kanyang social media account ay may naka-post na “My house is for sale.”
Ang lokasyon ng nasabing bahay ay sa Loyola Grand Villas sa Katipunan.
Ayon kay James, ang three-storey house ay nasa 1,000-sqm. lot, pito ang bedrooms, large open space living areas, may two large kitchens, fully-soundproofed recording studio, 25-m lap pool, gym, CCTV security system, and a car garage. Plus, it’s partially furnished.
Naniniwala ang mga fans na ang ibinebentang bahay ay ang dating tinirhan nina James at Nadine.
May JaDine fan pa nga na nagkomento ng… “Ma, pengeng P85M. Ayokong i-let go ang memories ng JaDine dito, Ma.”
Sey pa ng isang netizen, “Ansaket para sa JaDine, heart ko pero ang mas masaket, eh, ‘yung P82-85 Million!!!! Jusko, may ginto siguro d’yaaan. Mas mayaman pa kay Dani Girl.”
‘Kalokah!





Comments