top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ganern, Mommy Divine.. Tatay ni Sarah, may alam ba sa kasal nila ni Matteo?

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 27, 2020
  • 2 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

Photo: @matteog (right)

Hindi pa humuhupa ang usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz tungkol sa naganap na “secret wedding” nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ikinagulat ng lahat. Maging ang mga netizens at ordinaryong tao ay hindi makapaniwala na nagawang magpakasal ng AshMatt na hindi man lang natunugan ng pamilya ni Sarah.

Ang alam ng lahat, ang kasalang Sarah-Matteo ay sa March 14 pa magaganap sa Italy, na lately ay naging March 29 na ang petsa.

Naunang idinaos ang christian wedding (ayon sa relationship counselor ng dalawa na si Letty Fuentes) sa Victory Christian Chapel sa BGC noong Feb. 20, 2020.

Sa halip na marami ang mang-bash sa Pop Princess sa kanyang paglilihim sa pamilya tungkol sa kanyang pagpapakasal, mas marami ang natuwa at bumati na naipaglaban ni Sarah ang kanilang pagmamahalan ni Matteo.

Ang nakatanggap ng pamba-bash ay si Mommy Divine Geronimo na nagwala nang husto nang sumugod sa reception ng kasal.

Maraming fans ni Sarah abroad ang mas kumampi sa kanila ni Matteo. Hindi nila sinisi at kinondena ang Pop Princess sa kanyang ginawa dahil matagal na rin daw itong nagtiis at naging breadwinner ng kanyang pamilya.

Ang inaalala lang ng mga nagmamalasakit kay Sarah ay kung totoo nga ang balitang buntis na ito. Tiyak na hindi magiging maganda ang epekto nito sa kanyang baby ‘pag nagkataon. Kailangan daw na stress-free at hindi namomroblema ang babae sa unang buwan ng kanyang pagbubuntis. Kailangang masaya at payapa ang kanyang kondisyon upang maging malusog ang magiging anak.

Bawal malungkot at magalit ang babaeng nasa early stage pa lang ng kanyang pregnancy kaya todo-alalay ngayon kay Sarah ang kanyang malalapit na kaibigan.

Samantala, may napansin lang ang mga netizens sa naging pahayag o statement ng close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara nang magpunta ito sa radio show ni Raffy Tulfo.

Sa kanyang kuwento kasi, nasabi niyang kasama pa ni Sarah ang kanyang Daddy Delfin noong magteyping ang Pop Princess sa The Voice Teens, kaya lang, bigla raw itong nagka-LBM kaya nauna nang umuwi at ito palang si Jerry ay proxy lang dahil absent ang talagang naka-duty na security guard ng singer-actress noong araw ng Huwebes kung kailan naganap ang “secret wedding”.

Co-incidence lang ba ang lahat o may alam ang tatay ni Sarah sa kasalang naganap?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page