Angkas drivers, tinulungan ng Go Negosyo para makakuha ng benefits
- Thea Janica Teh
- Feb 27, 2020
- 2 min read

Bulgarific
Hello, Bulgarians! Pasok sa Top 2 congested cities in the world ng TomTom list ang Maynila. Kaya naman, subok nang maaasahan ang motorsiklo sa pag-iwas sa heavy traffic ng bawat manggagawang Pinoy sa ating bansa.
Ngunit, maraming isyu ang lumabas sa motorcycle transport industry tungkol sa regulatory issues at posibilidad na mawalan ng pangkabuhayan ang mga motorcycle bikers.
Kaya naman ang Angkas, bilang miyembro ng Angat Lahat sa Digital Alliance ay tinulungan ng Go Negosyo kasama ang iba pang digital platforms tulad ng Grab, Lalamove, Resellee, Smart Padala, Megapay at Posible para suportahan ang 1,000 na-deactivate na Angkas bikers noong February 22, 2020 sa JoeCon Hall ng RFM Corporate Center, Mandaluyong City.
“Ang digitalization ay pro-poor na ang mga nasa low-income communities ay maaaring makakuha ng benepisyo at maabot ang prosperity. Malaki ang impact nito sa buhay ng bawat Pinoy sa ngayon. Ang pag-unlad ng digital transformation na nararanasan natin ngayon ay makatutulong din sa gobyerno. Makatutulong din ito dahil nabibigyan ng mapagkakakitaan ang mga Pinoy at mas naipakikilala ang gawang Pinoy,” bahagi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Founder Joey Concepcion. Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Concepcion na nagtulung-tulong ang mga public at private sectors para maipakita at mapagtibay ang agenda ng digitalization sa bansa ngayon na nasa Fourth Industrial Revolution na tayo.
“Ito ang umpisa ng totoong pagbabago. Asahan na ang Go Negosyo at ang ating Digital Alliance, kasama ang lahat ng mga partners ay hindi m
ag-aalinlangan na tumulong at makiisa sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng digitalization,” sabi ni PA Concepcion.
Ipinapangako ng Angat Lahat sa Digital Alliance na makikipagtulungan ang mga private sectors sa gobyerno para mabigyan ng edukasyon ang mga Pinoy pagdating sa impact at opportunities ng digitalization lalo na ang micro, small at medium entrepreneurs.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments