Nagtinda ng mga biniling gulay sa palengke, sign na malapit nang makapag-asawa
Salaminin natin ang panaginip ni Lyka na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
1. Nakakita ako ng mga batang naglalaro sa kalsada at sabi ko sa kanila, umuwi na sila dahil baka maaksidente pa dahil maraming sasakyan na dumaraan.
2. May matanda na hindi ko kilala na kumatok sa bahay namin. Hindi naman siya pulubi, pero humingi siya ng mineral water at binigyan ko naman.
3. Namalengke ako, pero ‘yung pinamili kong mga gulay ay inilako ko sa mga kapitbahay namin. Hindi naman ako nagtitinda ng kahit ano dahil namamasukan ako bilang secretary sa isang maliit na kumpanya.
‘Yan ang mga panaginip ko at gusto kong malaman ang mga ibig sabihin nito.
Naghihintay,
Lyka
Sa iyo Lyka, 1. Ang mga naglalarong bata ay nagbabalita sa nanaginip na may darating sa kanya na mga bagong oportunidad kung saan puwede niyang mapalago ang kanyang kabuhayan. Ang sinabi mong baka masagasaan sila ng mga sasakyan ay nagbababala na ang mga oportunidad ay puwedeng maagaw sa iyo ng ibang tao. Dahil ito ang payo, bilisan o sunggaban mo agad ang mga ito at ang pahabol na kahulugan ay makipagsapalaran ka at huwag mag-alinlangan.
2. Ang matanda sa panaginip mo ay si Lord mismo. Huwag kang magtaka dahil sinabi ng Dakilang Manlilikha na kapag pinainom natin ang nauuhaw, ang tunay na pinainom natin ay Siya mismo. Hindi naman nauuhaw ang Dakilang Manlilikha dahil Siya ang gumawa sa tubig, ilog at ibang sources of water. Pero nang nakapako si Hesus sa krus, sinabi Niya na, “ako ay nauuhaw.” Ibig sabihin, Siya ay nauuhaw sa pagmamahal ng mga tao. Dahil hindi mo pinagdamutan ng mineral water ang matanda, ibig sabihin, matutuwa Siya sa iyo at ikaw ay pagkakalooban ng mga suwerteng kailangang-kailangan mo.
3. Ang namalengke at nagtitinda ng mga gulay ay nagbabalita na ang nanaginip ay malapit nang mag-asawa. Dahil dito, hindi magtatagal ay magiging maybahay ka na rin o may asawa na. Dahil dito, kapag nag-asawa na, ang bati ay congratulations, kaya binabati na kita dahil ang pag-aasawa sa panig ng babae ay malaking bagay, as in, lahat ng babae ay pinapangarap na makapag-asawa at magkaroon ng magandang pamilya na ayon sa panaginip mo ay matutupad na. Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments