top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kapag nagsara ang ABS-CBN… "Katapusan ng pelikulang Pilipino 'yan" — Robin

Ador Saluta
Feb 26, 2020
3 min read

Itinakda ang unang hearing sa Senado para sa franchise renewal ng ABS-CBN nu’ng naka­raang Lunes (February 24) at nagulat ang mga netizens sa presensiya nina Robin Padilla at Phillip Salvador sa ses­sion hall.

Kapansin-pansing hindi nang-agaw ng eksena ang da­lawa at nanatiling nakaupo lamang habang pinapanood ang pagsagot ng mga ABS-CBN executives sa mga ta­nong ng mga senador na pinangunahan ni Senator Grace Poe as Chairman of the Committee on Public Services.

Nasa session hall din ang iba pang imbitadong ki­na­­ta­wan mula sa NTC, SEC, BIR at ilan pang sangay ng gob­yerno na nagbigay ng positibong sagot sa mga gusot na kinakaharap ng nasabing network.

Sinagot din ng ABS-CBN President at CEO na si Carlo Katigbak ang mga tanong from senators regarding the quo warranto petition filed by Solicitor General Jose Ca­lida against the company nitong nakaraang buwan.

“We did not violate the law,” makahulugang sagot ni Carlo hinggil sa mga aku­sas­yon sa network.

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN News kay Ro­bin, aniya, hindi niya sinu­suportahan ang possible shut down of his home network katulad ng pahayag ni Director Joel Lamangan that revoking the broadcast giant’s license to operate will greatly impact the Philippine Cinema, dahil ang na­sabing network ay ang largest platform that filmmakers and actors like him can showcase their work.

Sang-ayon naman si Ro­bin sa sinabi ni Direk La­ma­ngan.

“Katapusan ng Peliku­lang Pilipino ‘yan,” saad ni Robin.

Bukod kay Presidential Spokesperson Salvador Pa­ne­lo, maging si Robin ay natuwa sa ipinakitang pagpa­pakumbaba ni Carlo Katigbak nu’ng humingi siya ng ‘sorry’ sa ilang pagkakamali ng network sa pangulo.

“Naku, ‘yun ‘yung pinakamagandang narinig ko. ‘Yun ‘yung hallelujah sa tenga ko, eh,” ani Robin sa pag­hingi ng sorry ni Carlo.

Sabi naman ni Phillip, “At least, narinig nating lahat. So, ang puso ng presidente, malawak, at ang kanyang pag-iisip.”

Samantala, ikinatuwa nina Robin at Phillip ang pag-ungkat ng kanilang fellow actor na si Sen. Lito Lapid tung­kol sa issue ng network’s supposed failure to give overtime pay to its talents and production crews.

Nilinaw ni Ms. Cory Vidanes, ABS-CBN’s chief ope­­rating officer for its broadcast operations, during the hearing na ang dahilan kaya hindi binibigyan ng overtime pay ang mga artista ay dahil binabayaran sila per program or per taping day.

Samantala, magpupulong pa ang House of Representatives para sa schedule ng susunod na hearing on ABS-CBN’s franchise renewal.

Ilan sa mga Kapamilya stars ang nagparamdam ng su­porta sa kinakaharap na problema ngayon ng ABS-CBN gaya nina Angel Locsin, Bea Alonzo at Dimples Romana.

Humanga rin sila sa mga executives ng ABS-CBN gaya nina CEO Carlo, Chairman Mark Lopez at COO for Broadcast Cory Vidanes.

Nag-post si Angel ng mga pictures niya with Katigbak and Vidanes na may caption na: “Appreciation post for ABS-CBN bosses! Happy that Filipinos get to see how humble our ABS-CBN bosses are. Ganyan po talaga sila kahit off-cam!”

Si Bea naman ay nagsabing, “Made us proud today being a Kapamilya. They are not just our bosses, they are FAMILY. Salamat po.”

Share naman ni Dimples, ang bida ng katatapos la­mang na Kadenang Ginto, saludo siya sa kanilang mga bosses sa ABS-CBN, na inilarawan pa niya bilang… “Most humble, kindest, and compassionate.”

“Salamat po for gi­ving us more reasons to be proud as a Kapamilya today. We pray with you,” sabi pa ni Dimples.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page