Ganern, BF, bad influence? Nadine, 'di na nega nang mahiwalay kay James
- Beth Gelena
- Feb 26, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Imbes purihin si Nadine Lustre sa pagtulong sa paglilinis sa Manila Bay kasama ang ilang volunteers kamakailan, tinuligsa pa siya ng ilang netizens.
Anila, “Good job. Sana bukal sa kalooban mo ‘yan, ah.”
May nagsasabi pang kaya lang daw nagpapakitang-gilas si Nadine ay dahil may proyektong ginagawa. Pero, pagtatanggol ng mga fans ng aktres, sadya naman talagang may adbokasiya si Nadine tungkol sa kalikasan.
Sabagay, ‘wag na lang bigyan ng kahulugan ang paglilinis ni Nadine ng Manila Bay. ‘Wag na lang maging nega. Kung gumawa na lang din kaya ang mga bashers ng ikabubuti ng ating kapaligiran, siguro, mas matutuwa ang marami.
Puna naman ng iba, magmula raw nang mawala si James Reid sa buhay ni Nadine, naging positibo na ang tingin ng madlang pipol sa aktres.





Comments