'Di raw nakikisawsaw, Mommy Divine, ha?.. Hirit ni Jaclyn: Mga anak, 'wag kontrolin, hayaang
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nagulantang ang lahat dahil sa naganap na secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Hindi inakala ng marami na magagawang ilihim ng Pop Star sa kanyang inang si Divine ang pagpapakasal sa long-time BF niyang si Matteo. Sari-sari tuloy ang naging komento ng mga netizens at kamakailan ay kumalat ang socmed post ni Jaclyn Jose na ina ni Andi Eigenmann tungkol sa parenting.
Aniya, “It is our responsibility (as) parents. I am a single mom of 2, I worked so hard to make them feel that everything was okay.
“Napuputulan ng ilaw o ‘di makabayad (ng) rental, but that doesn’t mean na ipapasa ko ang problema ko sa mga anak ko...
“I haven’t gotten a single centavo sa mga anak ko.
“Kakayanin ko ang lahat para sa mga anak ko. I did all my best to raise them.
“Happy lang... no controlling para ‘pag time naman nila, gawin nila para sa mga anak nila...
“‘Di ako nakikisawsaw sa issue, just giving my point.
“Let them. At the end, they will [be] more responsible... us parents must understand our children. Let them leave, madadapa ‘yan pero babangon kung hahayaan natin sila.
“..At ‘wag i-obligate your child to pay your dreams, they have their own too…”
Sana ay magsalita na rin sa publiko si Mommy Divine para marinig naman ng madlang pips ang kanyang saloobin.
Ngunit, marahil ay pinipili na lamang niyang manahimik dahil malamang ay hindi rin siya mauunawaan ng mga taong sarado ang isip at puso sa kanyang hinaing.
Anyway, sana ay magkaayos na ang mag-inang Sarah at Divine. Mas maganda sana kung bilang anak, si Sarah na ang maunang lumapit at magpakumbaba sa kanyang ina.





Comments