top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Basilan vs. Bacoor sa MPBL Semifinals

MC
Feb 26, 2020
2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Naging pambato si Allyn Bulanadi nang padapain ng Basilan ang Iloilo, 70-63 noong Lunes ng gabi para ikasa ang semifinals duel kontra Bacoor sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division na idinaos sa Lamitan City Gymnasium.

Nahirapan muna sa una, nakagawa si Bulanadi ng 5 puntos nang walisin ng Steel ang Iloilo United Royals, 2-0 sa quarterfinal series. Hawak ang balanseng pag-iskor naisahan uli ng Bacoor ang General Santos, 69-60 para sa isa pa muling best-of-three na laban.

Unang hindi makaporma si Bulanadi nang sumablay ang walo sa kanyang 10 field goal attempt nasundan pa ni Al Francis Tamsi ng Iloilo ng tres at itarak ang 63.

Tumingkad ang galing ni Jay Collado para sa Jumbo Plastics-Steel sa bisa ng 18 puntos kabilang na ang huling 2 sa free throw ng larong dagdag ang 10 rebounds, habang si Jerald Bautista ay may 12 puntos. Nagtapos si Bulanadi na isang Gilas pool member ng 11 puntos at boards.

Sa kabilang banda hindi natapos ni Richard Escoto ang laro dahil sa ankle sprain na natamo sa 3rd quarter makaraang lumagapak sa paa ni Bobby Baculanag nang tangkain niya ang 3 puntos.

Ikinatuwa ni Basilan coach Jerson Cabiltes ang tapang na ipinakita ng Royals. “Magandang laban ito. It will help us prepare for a tough team like Bacoor,” saad ni Cabiltes na na-confine sa ospital noong nakaraang linggo dahil sa kidney at gall stones at ngayon ay inakay ang Steel sa Game 2 na panalo. Matapos ang final buzzer, nagsidumog ang Basilenos sa court upang batiin at pasalamatan ang Steel dahil sa panalo upang ilagay ang probinsiya sa maningning na laro.

Tulad ng Basilan, nahirapan din ang Bacoor sa GenSan at magwagi sa 95-72 sa kanilang series opener. Ang Strikers na may 16 puntos mula kay Oping Sumalinog at 11 mula kay Nick Demusis ay may 11 para sa 69-58 na panalo at mapigilan lamang si Gab Banal ng 9 puntos at 7 rebounds.

Nakakuha ang Gensan ng 22 puntos mula kay Rob Celiz at 10 kay Daryl Goloran, kasunod ni Pamboy Raymundo at Mikey Williams na may 9 at 8 puntos ayon sa pagkakasunod. Magsisimula ang second seed Bacoor at 3rd seed Basilan ng kanilang best-of-three semifinal series sa Marso 20.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page