Sa wakas, lumantad na, Mommy Divine… Sarah, umamin nang asawa na niya si Matteo, todo-displey ng 2 s

Apat na araw matapos ang kasal nila ni Matteo Guidicelli last Feb. 20, 2020 ay nag-report na si Sarah Geronimo sa taping ng The Voice Teens. Kumalat agad sa social media ang video kung saan ay makikitang kararating lang sa studio ni Sarah at binati siya ng “Good morning!” ng staff.
Naka-post sa IG Story ng staff ng The Voice Teens ang nasabing video at makikitang binati rin ito ng “Good morning!” ni Sarah.
Biro ng staff, “Baka mag-viral na naman po ito.”
Natawa si Sarah at sey niya, “Nag-viral ba?”
Sa caption, the staff wrote, “From ‘Good morning’ video nu’ng wedding day to ‘Good morning Mrs. Guidicelli’ na today!!!”
Dagdag pa ng staff, “She’s so happy!!! We’re so happy for her and Matt!!! Eto na nga.”
Sa second video ay makikitang kasama na ni Sarah ang iba pang staff at muli ay nag-“Hi!” ito sa camera.
Ang caption naman ng second video ay: “Ito pa, version 2!!! Kinilig me sa ‘Good morning asawa ko…’ story ni coach, hihi, waaaaaah,” with matching katakut-takot na heart emoticons.
Tila ikinuwento ni Sarah sa mga staff na binati niya ng “Good morning asawa ko” ang mister na niya ngayong si Matteo Guidicelli.
Sa isang IG post naman ng Popster ay makikita si Sarah na all-smiles with the same dress sa taping at ipinapakita ang kanyang suot na dalawang rings sa isang daliri na tila ang isa ay engagement at ang isa ay wedding ring.
Caption ng larawan: “Mrs. Guidicelli flexing her RINGS.”
May larawan din si Sarah habang kausap ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Tila binisita ng showbiz couple si Pop Star sa taping kahapon.
Sa comments section sa piktyur ni Sarah flexing her wedding ring, pinuna ng maraming fans at netizens ang kaligayahan nito at anila, masaya sila para sa kanilang idolo and she deserves to be happy.
And we agree.






Comments