Pusher na karpintero, arestado
Davao Del Sur — Isang drug pusher na karpintero ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Blocon, Magsaysay.
Kinilala ang suspek na si Louiefell Caballero, 34-anyos, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na inaresto si Caballero matapos nitong pagbentahan ng shabu ang mga awtoridad na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, dalawang sachets ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Napag-alamang sinampahan na ng mga awtoridad si Caballero ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments