top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PhilHealth, na-modus ng P16 milyon dahil sa pekeng resibo, nagpasaklolo sa NBI

  • Thea Janica Teh
  • Feb 25, 2020
  • 1 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Pinabulaanan ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang paratang sa paggamit ng “fake receipts” sa mga overseas Filipino workers (OFWs), kamakailan.

Ayon kay BGen. Ricardo Morales, president at CEO ng PhilHealth, walang opisyal ng ahensiya ang sangkot sa isyung ito. Ito ay nagawa ng liaison officers at recruitment agencies. Ang mga “fake receipts” ay kanilang ini-issue para sa mga premium contributions ng mga OFWs at hindi ini-remit sa ahensiya.

Kaya naman, minabuti ng PhilHealth na i-report ito sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2015 para maimbestigahan. Mula pa noon ay nakikipagtulungan na ang ahensiya sa NBI para aksiyunan ang ganitong isyu. Sa katunayan ay mayroon na itong Memorandum of Agreement para mai-file ang tamang criminal case laban sa mga nanlolokong ito.

Dahil sa panlolokong ito, ibinahagi ng ahensiya na nawalan sila ng halos Php16 milyon. Nilinaw din ng PhilHealth na nagkakahalagang Php1.2 milyon ang kontribusyon na ginamitan ng “fake receipt”. Sa ngayon, Php430,000 na ang na-recover ng ahensiya mula rito habang ang natitirang balance ay nasa stages of recovery na.

Para maiwasan ang ganitong panloloko, minabuti ng ahensiya na lalong patibayin at palakasin ang kanilang IT system pati na rin ang coordination sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para masiguro ang premium contribution ng bawat OFW. Ito rin ay para masiguro na maire-remit lahat ng ibinayad ng mga OFWs sa PhilHealth.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page