Munting anghel, nagpadehado

Tatlong kabayo ang nagpadehado sa 1st Winner Take All (WTA) 1st Pick 6 at 1st Pick 5 sa karerang naganap nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Sa mga kakapanalo ng Munting Anghel sa Race 7 ang higit na nagpadehado sa WTA, Pick 6 at Pick 5. Naghatag ng dibidendong P630,869.60 sa 1st WTA at P514,851.00 sa Pick 6 ang pagkakapanalo ng Munting Anghel.
Samantalang nagbigay ng dibidendo sa 1st Pick 5 ng P22,966.00 ang pagkakapanalo ng Munting Anghel. Kasama na nagbigay ng magandang dibidendo ang kabayong Board Walk na bumenta lamang sa panlima kung saan tinalo sa datingan ang liyamadong
Pano Mo Nasabi at Lady Arya sa Race 3 kung saan nag-umpisa ang 1st Pick 6.
Nasundan pa ng dehadong Fighter in the Wind sa Race 5 makaraang talunin ang liyamadong Great Style at Hayley Margarette. Ang 1st WTA na nagsimula sa Race 1 pinagwagian ng liyamadong Time and Again sa Race 2 sa pagkakapanalo ng Blind Item, Kalambogis sa Race 4 umpisa ng Pick 4.
Sa Race 6 nanalo naman ang Change the Racer at Race 8 kung saan nagtapos ang WTA Pick 6 at Pick 5. Samantala, nagbigay sa 2nd Pick 5 ng P15,456.20 at naghatid sa 2nd WTA ng dibidendong P268,477.80, nagbigay ng dibidendong P42,869.80 sa 2nd Pick 6.





Comments