top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Misis na 15 yrs. nang hiwalay sa mister, gaganda ang buhay 'pag sinagot ang suitor na separado p

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 25, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro, Naisipan kong kumonsulta sa inyo dahil gusto ko ring magpabasa ng aking kapalaran. Almost 15 years na akong hiwalay sa asawa at ang mga anak ko ay may kani-kanya na ring pamilya. Nag-iisa na lang ako sa bahay, kaya gusto kong mag-asawang muli.

May nanliligaw sa akin na hiwalay din sa asawa, kaya lang, hindi ko tiyak kung tapat siya at compatible ba kami. Kung sakaling sagutin ko siya, magkakaroon kaya kami ng masaya at panghabambuhay na pamilya?

September 10, 1967 ang birthday ko at April 29, 1963 naman ang birthday ng manliligaw ko.

Umaasa, Ms. Virgo ng Marikit, Palanan, Isabela

Dear Ms. Virgo, Ayon sa zodiac mong Virgo at Taurus naman ang manliligaw mo, sadyang compatible kayong dalawa dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa.

Sa aspetong Numerology ay ganundin. Ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) at 29 o 2 (2+9 =11/ 1+1=2) naman sa manliligaw mo ay compatible rin sa isa’t isa dahil ang pagsasama ng weak number na 2 at strong number na 1 ay sadyang balanse at angkop na angkop sa isa’t isa.

Gayundin, ang buntalang-tanglaw ng numerong 1 ay ang Sun, habang ang buntalang taglay ng numerong 2 ay Moon. Ibig sabihin, habang nagsasama ang Sun at Moon, walang kadilimang magaganap sa inyong relasyon dahil ang Sun ang tumatanglaw sa mundo kapag araw, habang Moon naman ang tumatanglaw sa mundo sa pagsapit ng gabi.

Ibig sabihin uli, tulad ng nasabi na, sa gabi at araw, patuloy na magiging maliwanag at masagana ang inyong relasyon habang kayo ay nabubuhay at nagmamahalan.

Kaya, Ms. Virgo, sa sandaling sinagot mo ang manliligaw mong isinilang sa zodiac sign na Taurus na may birth date na 2 at kayo ay naging mag-asawa, walang duda, may pangako ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page