top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Pebrero 25, 2020 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 25, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2020 (Martes): Kahit magkamali ka nang paulit-ulit, ang kapalaran mo ay kikilos para mapasaiyo ang buhay na kaiinggitan ng marami.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipinaaalala sa iyo ng araw na ito na mas magandang maging mapagkumbaba kahit may ipagmamalaki ka pa kaysa sa karamihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto-9-11-14-16-20-24.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinabalita ng araw na ito na ang mga suwerte ay mabilis na magdaratingan sa buhay mo. Bilisan mo ring ayusin ang pagkatao mo na ang hindi magaganda sa ugali mo ay dapat mong alisin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-6-17-25-29-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Napakalakas ng iyong karisma at magagamit mo ito sa iyong negosyo. Puwede mo rin itong gamitin sa anumang layunin mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-29-38-40-42-45.

CANCER (June 21-July 22) - Ikaw mismo ang makapapansin sa sarili mo na kakaiba ang sigla mo at ang mga kilos mo ay kilos ng taong kayang gawin kahit ang imposibleng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-13-28-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Marami ka nang mga kaalaman na magagamit mo sa pagpapalaki ng iyong negosyo. Ngayon ang tamang araw para rito kung kailan nasa tabi mo ang mga mas maaalam kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-20-25-27-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mapatutunayan sa buhay mo na may malakas na pang-akit ang talino. Marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay dahil sa kakaibang talas ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-29-30-32-37-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang kapalaran ng nagmamahal sa iyo at ito rin ay nagsasabing siya ay alipin mo. Mapasasaiyo ang gusto mo, pero ang payo ay huwag mong abusuhin ang kapangyarihan mong ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-15-27-30-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mo kung ano ang maganda sa paningin. Hindi para sa iyo ang payo na huwag piliin ang maganda sa paningin. Ang nasabing payo ay walang katuturan dahil hindi sinusunod ng karamihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-21-22-23-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong palipasin ang araw na ito na ikaw ay sobrang tagal na nag-iisip dahil nasasayang lang ang mga oras. Sa halip, kumilos ka ayon sa nauna mong plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-21-29-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matutukso kang magsaya nang sobra dahil sa mga suwerteng nagdaratingan sa buhay mo. Isabuhay mo ang pagiging masinop dahil ito mismo ang dahilan kung bakit ka pinagpapala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-25-28-34-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang pinakamasuwerte ayon sa mahiwagang salamin sa dingding? Sino pa nga ba kundi ikaw. Ilalapit sa iyo ang mga taong magpapaalipin sa iyo at susundin ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-16-29-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lilitaw ang espesyal na katangian mo na ikaw ay may kakayahang pasunurin ang taong sobrang tigas ng ulo. Gayundin, ang mga akala nila sa sarili nila ay sobrang galing at husay nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-19-20-30-33.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na: datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page