top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Time and Again, nanalo sa Class 2

Ding Taboy
Feb 24, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Nagwagi sa umpisa ng karera sa Race 1 ang liyamadong Time and Again sa 2020 Philracom Rating Based Handicapping System (PRBHS) sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Pinatunayan ng Time and Again sa PRBHS Class 2 na mahirap bunuin sa nasabing karera na nanalo ng anim na kabayo ang layo matapos lampasan ang nauunang Most Trusted.

Pagsapit sa huling likuan, tuluyang lumayo ang liyamadong Time and Again habang humahabol ang Magtotobetsky at dumating na tersera ang Hookbong Dagat at pumang-apat ang Sooner Time.

Ang Time and Again ay pag-aari ni N.M Magno, imported mula sa Australia na pinatnubayan ni Class A Jockey Jonathan B. Hernandez. Nagwagi sa Race 2 ang Blind Item makaraang talunin ang naliyamadong Double Sunrise sa tagpo ng PRBHS Class 4.

Sa umpisa ng karera agad kinuha ang bandera ng Double Sunrise nang may anim na kabayo ang layo. Pagsapit sa huling likuan naging mahigpit na ang laban ng Double Sunrise nang dumikit ang Blind Item pagsapit sa huling 300 meters hanggang sa lampasan pagtawid sa finish line.

Nanalo ang dehadong Board Walk laban sa segunda liyamado na Lady Aryan na nagbigay ng magandang dibidendo sa Trifecta at Quartet. Ito ang nangyari sa tagpo kahapon sa SLLP sa Carmona sa laban ng mga kalahok sa 2020 Philracom Rating Based Handicapping System.

Samantala, maganda ang naging laban nitong Sabado nang manalo ang mga dehado sa Winner Take All (WTA), Pick 6, 5 at Pick 4 sa SLLP. Nagbigay ng dibidendo sa WTA P449,125.80 sa kombinasyon (10/10/5,6,12/6,8/6/4/6 sa Pick 4, na kombinasyon ‘6,8/6/4/6 ng P7,311.40, habang naghatag ng P25,037.60 sa Pick 6 ‘10/5,6,12/6,8/6/4/6. sa Pick 5 nagbigay ng P13,401.80 sa kombinasyon ‘5,6,12/6,8/6/4/6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page