P87.74 bilyon, naipautang ng Pag-Ibig nu'ng 2019 para sa 96,276 na nagkabahay
- Thea Janica Teh
- Feb 24, 2020
- 2 min read
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Double-digit growth ang na-achieved ng Pag-IBIG Fund sa home loan releases nito noong 2019! Sunud-sunod sa loob ng apat na taon ang accomplishment ng ahensiya sa tuluy-tuloy na pagtaas ng release ng kanilang programa!
Batay sa mga top executives nagkakahalagang Php86.74 bilyon ang ini-release ng Pag-IBIG Fund noong isang taon. Ito ang pinakamataas na naitala sa housing loan program ng ahensiya. Ito ay tumaas ng 15% o Php11.43 bilyon kumpara sa Php75.31 bilyon noong 2018. Dahil dito, tumaas din ang mga nakinabang sa programang ito na umabot sa 95,276 mula sa 90,375.
“Nalagpasan muli natin ang sarili nating record noong 2019. Masaya kami dahil mas dumami pa ang pamilyang nagkaroon ng sarili nilang tirahan. Kaya naman sa darating pang mga taon, inaasahan natin na mas tataas pa ito at mahihigitang muli ang sariling record. Ito ang ating commitment sa lahat ng miyembro ng ahensiya na pinapangarap na magkaroon ng sariling bahay sa murang halaga,” sabi ni Eduardo del Rosario, chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at secretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ibinahagi rin ni Del Rosario na mula sa total amount, Php10.64 bilyon dito ay inilabas para sa socialized home loan na napakinabangan ng 27,145 Pag-IBIG Fund members na nasa minimum-wage at low-income sector. “Dati, ang releases namin sa home loan sa buong taon ay hindi aabot sa Php50 bilyon. Lumipas ang 36 taon, saka lang ito nalagpasan at umabot sa Php57.31 bilyon noong 2016. Palagi naming hinahamon ang aming mga sarili para malagpasan ang aming record at ito ang naging resulta. Sa totoo lang, ang home loan releases ay napapanatili sa pagtaas sa loob ng apat na taon. Kaya naman, confident kami na tuluy-tuloy lamang ang pagtaas ng releases ng home loan at mas marami pang pamilya ang magkakaroon ng sariling bahay sa susunod pang mga taon,” bahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
Sa kabuuan, inaprubahan ng Pag-IBIG Fund ang budget na Php109.04 bilyon para sa home loan para sa 113,574 na bahay. Php22.3 bilyon dito ay aprubado na sa home loan application na pending for takeout at ready na for disbursement kapag nakapagpasa na ng post-approval requirements ang mga borrowers.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments