top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaya minadali ang kasal kay Matteo… Espekulasyon ngayon: Sarah, buntis?

Janice DS Navida
Feb 24, 2020
2 min read

Ilang araw mula nang mapa­balitang ikinasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli through secret civil wedding last Feb. 20, 2020, wala pa ring update sa newlyweds kahit sa mismong socmed account nila.

Eh, malamang, nasa honeymoon stage ngayon sina Sarah at Matteo at ayaw mag­paistorbo, obyus ba?

Kung ang kasal nga, ‘di napigilan ng Mommy Divine ni Sarah, ang honeymoon pa ba ang mahaharang niya? Eh, di lalo siyang naging kontrabida sa mata ng mga AshMatt fans kung pagkatapos ng kasal ay pilit pa rin niyang iuuwi sa bahay nila ang kanyang 31-anyos nang anak, ‘no?!

Ngayon pa nga lang, nang kumalat ang balitang sumugod si Mommy Divine sa hotel na venue ng secret wedding nina Sarah at Matteo, binigyan na agad ng “Kontrabida of the Year” award ang nanay ng Pop Princess.

Eh, kasi naman, kami bilang nanay din, ha, naiintindihan naming gusto lang ma­pa­buti ni Mommy Divine ang kinabukasan ni Sarah sa bubuoin nitong pamilya. Pero dahil nasa tamang edad naman na ang anak niya, dapat lang na hayaan na niya itong mag­desisyon para sa sarili dahil ang pag-ibig naman ay isang sugal, walang makapag­sasabi kahit silang mga magulang mismo kung mananalo o matatalo ba si Sarah sa ending sa lalaking pinili niyang makasama.

Gabay lang ang puwedeng ibigay ng ma­gulang sa mga anak at ang tiwala na napalaki nila nang tama si Sarah kaya tama rin ang lalaking pinili nito. Kung pagdating ng panahon na mauwi sa hiwalayan sina Sarah at Matteo (na ‘wag naman sana, ‘di ba?), suporta at pang-unawa pa rin ang dapat ibigay ng pamilya at hindi panunumbat.

Dahil ang totoong pagmamahal — lalo na ng magulang sa anak — ang hangad lang ay kung ano’ng makakapagpaligaya sa taong mahal natin. Devah naman?

Anyway, dahil nga bukod sa itinago ang kasalang Sarah-Matteo ay tipong minadali pa raw ito (March 14 ang unang lumabas na date ng kasal na na-move raw ng March 29), may sitsit ngayon at espekulasyon na baka

buntis na ang Pop Princess.

Eh, again, kung true man, maging happy na lang tayo para kina Sarah at Matteo dahil ang importante naman, ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan na nauwi na nga sa kasalan.

Congrats and best wishes, Mr. and Mrs. Guidicelli!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page