Horoscope | Pebrero 24, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Feb 24, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2020 (Lunes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa pamamasukan. Ito ang ibig sabihin ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang susi para makuha mo ang anumang gusto mo. Huwag mong hayaan na makasingit sa iyo ang pag-aalinlangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-23-34-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang unang mapagpasyahan mo, ‘yun ang sundin mo. Huwag na huwag mo itong babaguhin kung ayaw mong manghinayang at magkamot ng ulo habang nagsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-11-18-21-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang darating na mga araw ay iyo pa rin. Huwag mong hayaang makalagpas ang masuwerteng panahon, kaya makipagsapalaran ka sa larangan ng negosyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-21-25-27-35.
CANCER (June 21-July 22) - Tatalas ang isipan at pakiramdam mo. Ilalayo ka sa mga taong hindi maganda ang motibo, kaya magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-15-16-29-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alala kapag nawalan ka. Tulad ng dati nang mabawasan ang kaban-yaman mo, lalong lumago ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-16-21-23-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami kang mapapasaya at matutulungan nang dahil sa mga kakaibang ideya na ipaaalam mo sa mga tao. Dahil dito, sa tuwa ng langit sa iyo, ikaw ay pagpapalain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-26-27-30-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong alahas na kuwintas. Sundin mo ito dahil ito mismo ang pampasuwerte mo sa araw na ito. Muli, sundin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-11-14-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumaya ka sa negosyo at kikita ka ng malaki. Kung hindi ka naman tataya, kikita ka pa rin, kaya lang, hindi gaanong kalakihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-22-29-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagsasaya para sa iyo ang mga ito. Pansamantala mong iwanan ang paghahanapbuhay na batbat ng pagsisikap. Magsaya ka at mananariwa ang iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-15-26-27-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sobrang seryoso ka. Ang anumang sobra ay hindi maganda. Makibahagi ka sa mga kuwentuhang nagbibigay ng saya at ginhawa sa pagod na isip at katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang dumikit sa mga malungkutin dahil hindi para sa iyo ang mamuhay kasama sila. Lumayo ka rin sa mga palaangal at paladaing dahil hindi ka kabilang sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-29-30-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na matagal kang nasa loob lang ng bahay. Mas magandang lumabas ka at magliwaliw sa magagandang pasyalan. Gawin mo ito nang maiwasan ang paghina ng iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-23-25-27-33.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.
Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na: datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.
Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!




Comments