top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

After ng secret wedding… Sarah at Matteo, nagtatago pa rin?

Julie Bonifacio
Feb 24, 2020
3 min read

Until now ay mainit pa ring pi­nag-uusapaan ang naganap na patago pero nabulgar din na civil wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli last February 20.

Siyempre, curious pa rin ang marami sa mga detalye ng kaganapan sa naturang civil wedding. Gaya na lang ng kung sino ang nagkasal sa kanila, sino ang tuma­yong witnesses at kakutsaba nila para maitago ang kasal without Sarah’s parents, nandoon ba ang magulang ni Mat­teo at kung anu-ano pa.

Curious din ang iba kung saan tumu­loy sina Sarah at Matteo after ng kanilang civil wedding. Sa bahay ba ni Matteo, sa hotel, o baka naman sa hideaway nila?

By this time, umuwi na kaya si Sarah sa bahay nila ng pamilya niya para kausapin ang kanyang parents na sina Divine at Delfin?

At dahil ‘di pa lumalabas sa “lungga” ni­la ang bagong kasal, uhaw na uhaw tuloy ang publiko sa bagong updates kina Sarah at Matteo. Pati na mga lumang video interviews ni Sarah ay naglabasan, huh?

Isa na riyan ang pinakahuling interview niya sa Kapamilya morning show na Ma­gan­dang Buhay. Nag-guest si Sarah sa pro­grama ng mga momshies na sina Jolina Mag­dangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros. At isa sa mga nagsorpresa sa kanya sa show ay ang kanyang Popshie Delfin.

Ayon kay Popshie Delfin, sobrang ma­bait na anak si Sarah. Nakikita raw niya kung paano mahalin ni Sarah ang kanyang mga ka­patid.

“Kahit minsan nagkakaproblema kayo, nagkakaproblema tayo, iba pa rin ‘yung pagiging kapatid mo sa kanila, eh. Hindi matutumbasan. Pero kailangan kasi, maging matatag tayo. Kami namang mga magulang mo, siyempre, gusto rin namin ‘yung lahat ng mga anak namin, mapunta sa magandang buhay na patutunguhan. Si­yempre, sa pagpapamilya,” lahad ni Pop­shie Delfin.

Iba raw talaga ang maging magulang.

“Siya rin, magiging magulang, magka­karoon din siya ng mga anak sa magiging pamilya niya. Siyempre, kailangan magan­da, HINDI PUWEDENG IPAGPALIT ANG PAMILYA BASTA-BASTA,” say pa ni Popshie Delfin.

Nangako naman si Sarah sa kanyang Popshie at sa mga kapatid niya including Momshie Divine that she will forever be grateful sa kanila at talagang mamahalin niya ang kanyang pamilya.

“KAHIT SINO.. kahit ano’ng dumating sa buhay ko, hindi magbabago ‘yung pag­mamahal at pagrespeto ko sa mga magu­lang ko, sa mga kapatid ko, dahil pamilya ko sila, eh. Number one family, so, text na lang, hehe. Text na lang, hahaha! Tapos, emoji na lang ‘yung iyak. Hahaha! ‘Pag fa­mily talaga, ever since, iba ‘yun, eh,” naiiyak na pahayag ni Sarah sa Magandang Buhay.

Aminado naman si Popshie Delfin na nabigyan sila ng ‘magandang buhay’ ni Sarah.

“Parang Magandang Buhay dito, siyempre, magiging maganda ang buhay natin kapag nagtulung-tulong talaga ang pamilya. Siyempre, sobrang pasalamat ako sa pagtitiyaga niya, sa pagsunod niya sa amin, dahil hanggang ngayon, SUPOR­TADO NIYA PA RIN KAMI. Pero, si Sarah, nandito pa rin. Tala­gang sobra niya ka­ming mahal, mga ka­patid niya, saka kami na mga magulang ni­ya,” sey ng kanyang ama.

Iba-iba naman ang naging reak­si­yon ng mga neti­zens sa video ng guest­ing ni Sarah sa Magan­dang Buhay.

Say ng mga neti­zens: “‘Yung message ng tatay niya, eh, pa­rang takot na takot pa rin na bu­mu­kod si Sarah sa kanila.”

“Hmmm. I can see the pain in her eyes just basing on the words that came out of her dad’s mouth, they’re really much de­pending on Sarah. I feel bad for her.”

“Now this becomes obvious why Divine can’t let go of Sarah & let her be happy; have her own family because Sarah is STILL THE BREADWINNER of their family. After all, I’m super happy Sarah finally got married to Matteo G.”

Bongga talaga ang Magandang Bu­hay, ha? Nahuhukay at nabubuhay ulit ang past interviews nila sa mga naging guests nila sa show lalo na kung sikat na sikat ang celebrity at may kinakaharap na isyu.

Kaya para wala kayong ma-miss, pa­no­orin mula Lunes hanggang Biyernes ng uma­ga ang Magandang Buhay sa ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page