Mula nu'n, bantay-sarado na siya… Female celeb, sobra kung mainlab, kumabit sa mister ng anak ng
- Erlinda Rapadas T.
- Feb 23, 2020
- 2 min read

BLIND ITEM: Kikimi-kimi kung kumilos ang female celebrity na ‘to at very ‘virginal’ talaga ang porma. Bata pa lang ay nahulma na ang imahe sa kanya bilang sweet at mabait. Pero may kuwento sa female celeb na madaling bumigay pagdating sa pag-ibig.
Kuwento ng isang showbiz mom, kasamahan dati ng anak niya ang female celeb sa isang talent management. One day daw ay ipinatawag ang batch ng anak niya at ang female celeb ng naturang talent management.
Nagulat siya dahil ang topic pala ay para sabihan sila na manahimik tungkol sa isyung kinasangkutan ng female celeb at ng dyowa ng anak ng head ng talent management. Nabuking kasi na may relasyon ang female celeb at ang pamilyado nang lalaki. At ang pinakamatindi, nahuli mismo ang female celeb ng kanyang ina na magkasama sila ng guy sa loob ng isang kotse.
Naalarma ang lahat sa talent management dahil nagsisimula nang i-build-up ang female celeb bilang next big star. Baka nga naman lumala pa ang relasyon ng female celeb sa dyowa ng anak ng head ng talent management at hindi pa man siya sumisikat ay bigla agad malaos. Purnadang malaki ‘to para sa head ng talent management.
At the same time, afraid ang head ng talent management na baka kung ano rin ang gawin ng anak niya kapag nagpatuloy ang relasyon ng dalawa. Eh, buntis pa naman that time ang anak ng boss sa dyowa nito.
So, pinakiusapan ang ibang ka-batch ng female celeb na tumahimik na lang at kapalit nito ang pagbibigay ng projects sa kanila.
Dahil na-‘caught in the act’ ang female celeb, simula noon ay mala-Jaworski ang ginawang pagbabantay sa kanya ng ina. Kaya hayun, walang lumusot na na-link sa female celeb na naging very open siya.
After a couple of years, history repeats itself, ‘ika nga. Muling nahuli ang female celeb ng kanyang ina sa “eskapong” ginawa niya with her boyfriend. But this time, wala nang nagawa ang ina nito at pinagbigyan na siya sa gusto niyang mangyari sa kanyang buhay-pag-ibig.
Tama ang ina ng female celeb na sobra kung ma-in love ang kanyang anak kaya hangga’t maaari ay pinipigilan niya ito. Hinayaan na ng kanyang ina ang female celeb dahil feeling nito, may something na sa tiyan ng kanyang anak.





Comments