Tanong ng fans sa socmed, dinededma lang daw… Sunshine, tinawag na suplada ng netizen, patola!
- Vinia Vivar
- Feb 22, 2020
- 1 min read

Nag-react si Sunshine Cruz sa mga bashers niya na nagkomentong suplada siya dahil ‘pag tinatanong daw kung ano ang suot niya ay hindi nagri-reply.
Sey ni Shine sa netizen, ilang beses na raw niyang sinagot ang tanong at kung magba-backread daw ito ay makikita ito.
“Busy lang and as much as I want to reply to all of you, I can’t. Pasensiya na,” dagdag pa ng aktres.
May isa namang nag-comment na sino raw ba kasi sila para pag-aksayahan ni Sunshine ng panahon gayung tagahanga lang naman sila.
Sagot ni Shine, hindi ito totoo at ginagawa naman daw nila ang makakaya para pasayahin ang mga fans, pero dapat din daw maintindihan ng mga tao na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapag-reply sila dahil marami rin
silang ginagawa.
Sa kanyang Facebook account ay muling in-address ito ni Shine at ipinost ang larawan ng screenshots ng sagutan nila ng mga netizens.
Aniya, “I do hope people will not judge us, artists kung hindi man po kami nakaka-reply sa kanila o sa mga tanong nila. Hindi po sa lahat ng pagkakataon ay nakatutok kami sa social media. May mga trabaho at iba rin po kaming pinagkakaabalahan.
“Medyo marami ‘yung likes and comments kasi sa photo na ito. ‘Di ko maiisa-isa talaga.
“Sa mga nagandahan, I would like to tell you all that I bought my dress sa GU sa Japan,” dagdag pa ni Sunshine.





Comments