King Polonius, magandang dehado

Aalagwa ngayong gabi ang karera sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) na paglalabanan ng Condition Race at 3 Year Old & Above Maiden Race sa Malvar, Batangas.
Isang kalahok ang nakikita kong magandang dehado at may panalo, ito ay walang iba ang King Polonius sa last race.
Kasabay nito, bibitiwan din ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na inaasahan na magbibigay ng magandang dibidendo.
Sa Race 1, panimula ng WTA na magkakasagupa ang Condition Race (21) at nakalalamang ang Masada habang makakalaban ang Hello Junior, Prince Jolo at Quincy. Sa Race 2, simula ng Pick 6 at paglalabanan ng Condition Race (22) na nakalalamang ang Rio De Janeiro at makakalaban ang My Priviledge at Star of Nasi.
Umpisa ng Pick 5 sa Race 3 sa CR-(19), pinapaboran ang couple entry na True Religion at Latest Model, ngunit, makakalaban ang My Way at Takdang Panahon.
Sa Race 4, simula ng Pick 4 paglalaban ng 3 YO & Above Maiden Race at nakalalamang ang couple entry na Security Supreme at Red White and Blue habang makakalabas ang Jinxky at Dream Team.
Sa Race 5, nakalalamang ang batang Baclaran at makakalaban ang My Dad Bogart, puwedeng isama ang Rise Up, Skymarshall at Crystal Creek para sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Sa Race 6, magkakalaban ang CR-(20) ang mga kalahok ang Batas Kamao, Katana, Wood Ridge couple entry na Ilove Henry at Deeper. Sa Race 7, ang Royal Chica ngunit makakalaban ang Rafa subalit, puwedeng kunin ang dehado na King Polonius. WTA-2/5-7/2-3-6/1-2-7/6/3-4/9-11; Pick 6-‘5-7/2-3-6/1-2-7/6/3-4/9-11; Pick 5- ‘2-3-6/1-2-7/6/3-4/9-11; Pick 4- ‘1-2-7/6/3-4/9-11





Comments