'Di raw patas sa maliliit na manggagawa… Sigaw ni Robin: "In The Service of The Filipino&qu
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nag-post ulit si Robin Padilla sa Instagram account niya tungkol sa pagri-renew ng prangkisa ng ABS-CBN Network that he quoted from Inquirer.net.
Aniya, “Even if Congress approves the franchise, there is still no assurance that Duterte would not veto it.
“‘I can’t speak in behalf of the President. It will be his decision,’ Go said.
“It’s either we approve or we deny. Bakit December 31 of 2022? Meron bang pulitika dito? (Why December 31, 2022? Are there politics here?)’ he asked.
“He was apparently referring Senate Minority Leader Franklin Drilon’s Joint Resolution No. 11 extending the network’s franchise until December 31, 2022 amid ‘uncertainties on the fate of the network.’-newsinfo.inquirer.net.”
Mapapanood din ang isang video sa Instagram account ni Robin kung saan tila nagpulung-pulong ang mga kalalakihang sumusuporta sa mga naging pahayag niya hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Sey ng isa: “Sir Idol Robin Padilla, maraming salamat sa pagsuporta sa aming maliliit na manggagawa at kami naman ay handang sumuporta sa ‘yong ipinaglalaban dahil kaisa n’yo rin kaming lahat para sa magandang adhikain mo. At sana po ay magkaroon kami ng pagkakataon para makausap kayo at madinig din ang aming mga ipinaglalaban.”
Ang caption ni Robin sa naturang post ay: “God is great! Hindi po ito usapin ng freedom of speech, information, o ano.. Dahil kung ‘yun, eh, di sana lahat ng networks, publishing, etc. ay ipapasara na. Unless ang sinasabi po natin ay lahat ng ibang kumpanya ng pamamahayag ay utu-uto sa gobyerno.
“Ang usapin po dito ay ang renewal ng franchise na isang demokratikong proseso. At natural na bahagi ng renewal na ito ang pag-aaral sa mga policies at practices ng kumpanyang nag-a-apply ng renewal.
“Ito po ang natatanging pagkakataon na makapagbigay ng opinyon, karanasan at suhestiyon ang mga taong may kinalaman sa kumpanya katulad ng mga ordinaryong manggagawa. Pagkakataon din ng kumpanya na makinig, magpaliwanag at marahil ay baguhin ang kanilang mga patakaran, kung nararapat.
“‘Yun po ang hinihingi ng pagkakataong ito. Hindi ako kontra sa renewal ng franchise. Nais ko lamang gamitin ang oportunidad na ito upang mapag-usapan ang mga issue lalo na sa labor, issue ng mga manggagawa na tiyak ay hindi na mapag-uusapan kapag naibigay na ang prangkisa. Ito po ang pagkakataong makipag-negotiate. Upang maging mas makatotohanan ang sinasabing ‘Service to the Filipino people’ na sana ay magsimula sa mismong bakuran ng pamilya.....”
Anyway, may punto rin naman si Robin at nilinaw na rin niyang hindi siya tutol sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Marahil ay nadi-distort na lang din ang issues dahil sa dami ng mga nakikisawsaw kaya mabuti na rin na disabled ang comment section ng post ni Robin.
Sana lang ay maidaan sa tamang proseso ang usapin sa franchise renewal ng ABS-CBN at hindi na ‘yung kani-kanyang opinyon sa socmed para maiwasan ang samaan ng loob ng mga mismong taga-showbiz.





Comments