top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takot ng mga Pinoy sa COVID-19, nabawasan na, pag-iingat tuloy pa rin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2020
  • 1 min read

Kapansin-pansin na nabawasan na ang pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit.

Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na safe namang magdaos ng malakihang event sa bansa.

Matatandaang, Pebrero 7 nang mag-abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan muna ang pagdaraos ng events na mangangailangan ng malaking bilang ng attendees. Bagama’t, may ilang concerts na natuloy, binantayan naman nang todo para makaiwas sa COVID-19 ang mga nanood.

Hanggang sa inilabas na ang joint statement ng DOH, Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) na nagsasabing ligtas nang mag-organize at dumalo sa mga public gathering tulad ng concert, assembly at festival. Kasabay ang paalala na tiyaking may precautionary measures na sinusunod sa mga idaraos na events.

Meron pa ring pagsusuri sa temperatura ng mga dadalo sa malalaking pagtitipon at may mga ilalaang hand sanitizers sa venue. Masasabing naroon pa rin ang pag-iingat.

Sa totoo lang, kahit walang COVID-19 o tuluyan nang mawala ang banta nito, dapat naman talagang tiyakin ang kaligtasan ng lahat laban sa anumang uri ng sakit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page