top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa harap mismo ng BF na si Jak… Barbie, umaming gustong jowain si John Lloyd

  • Vinia Vivar
  • Feb 20, 2020
  • 2 min read

Photo: Jak Roberto

Aliw na aliw kami sa “Totropahin o Jojowain Challenge” videos ni Jak Roberto sa YouTube channel niya kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza. Pareho silang may list of celebrities na itatanong nila sa isa’t isa kung totropahin o jojowain nila.

Actually, marami na ang naglabas ng ganitong video pero itong kina Jak at Barbie lang ang napanood namin dahil na-curious kami sa dami ng views.

Kaya naman pala hit na hit, eh, sobrang nakakatuwa talaga. Iisa nga ang komento na nabasa namin mula sa mga viewers — ito raw ang best na “totropahin o jojowain challenge” video na napanood nila.

Sobrang ‘kaaliw and cute ‘yung pagseselos ni Jak sa tuwing may sasaguting “jojowaing” aktor si Barbie. Panay ang ungol niya habang nag-e-explain ang girlfriend at may kasama pang pagsimangot.

‘Pag “totropahin” ang sagot ni Barbie, makikita sa kanya na tuwang-tuwa siya.

Nang sumagot naman si Barbie ng “jojowain” kay Ivan Dorschner, esplika niya ay mukha raw itong prince charming pero at the same time ay high maintenance.

Nagmamaktol na sabi ni Jak, “So, ako, low-maintenance, ganu’n?”

Sabi ni Barbie, “Bakit laging may comparison? Bawal ka magselos. Gusto mo ‘to, ‘di ba? Ikaw ang nagyaya nito, ‘di ba? O, tanggapin mo.”

May time na tinanong na ni Barbie si Jak ng “Kaya mo pa ba?” dahil nga laging may selos factor ang aktor sa mga “jojowain.”

‘Kaaliw din ‘yung sinasaway ni Jak si Barbie ‘pag tawa nang tawa at sasabihin niyang “Ang harot mo na.” You can feel na talagang normal nilang usapan ‘yun sa totoong buhay kaya naman ang sarap nilang panoorin.

Tatlong installments ang nasabing video. Sa part 1 ay mga Kapuso actors ang tinanong ni Jak kay Barbie, sa part 2 ay ang aktres naman ang nagtanong sa boyfriend at sa part 3 ay mga Kapamilya celebrities naman ang itinanong nila sa isa’t isa.

Sa mga Kapamilya stars, “jojowain” ang sagot ni Barbie kay John Lloyd Cruz at ang haba ng explanation ng aktres. Pero nang sabihin niya na si Lloydie raw ang aktor na napanindigan ang pagiging leading man kahit walang abs na ipinapakita, nag-react si Jak.

“‘Yung talagang lahat ‘paano’ sa akin, eh. Ito na ‘yun, ito na ‘yung boyfriend mo,” sabi ni Jak.

Natawa si Barbie. Aniya, “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Kaya mo pa ba?” Hahaha!

When it was Jak’s turn, cool na cool naman si Barbie kapag ‘jojowain’ ang sagot ng aktor. Sey tuloy ng aktor, “Parang ako lang ‘yung tinamaan ng selos, ah.”

Paglilinaw pa ni Jak, “Lahat ng ‘yan, jojowain lang po kung single. Taken na po ako, eh.”

Sagot naman ni Barbie, “Oo, ‘yun ‘yung rule namin.”

Pati ang mga netizens ay sobrang naaliw sa video at puring-puri nila ang pagka-natural nina Jak at Barbie kaya hindi kami nagtataka na ang part 1 ay may 1.7 million views na habang almost 1 million views na ang part 2 and 3 as of yesterday.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page