Phl SuperLiga, iniatras ang opening sa Peb. 29
- MC / VA
- Feb 20, 2020
- 1 min read

Isang linggong iniatras mula sa orihinal na petsa ang pagbubukas ng Philippine SuperLiga (PSL), ang pinakaaabangang 2020 Grand Prix sa Peb. 29 sa San Juan Arena, na unang nakaiskedyul sana ng Peb. 22.
Inihayag din ng PSL na ang mga laro ay may dalawang playdates lang kada linggo, Martes at Sabado imbes na three-game days na Martes, Huwebes at Sabado.
Sa unang pagkakataon sa league history, ang import-laden conference ay katatampukan lang ng isang foreign reinforcement, ang bawat team sa apat na buwan na tatagal ng torneo na magtatapos ng Hunyo 18.
Magbabalik si two-time defending champ Khat Bell ng Petron, para sa ikatlong straight season at umaasang palalakasin ang Blaze Spikers para sa third consecutive Grand Prix championship.
Si Seven-time import Lindsay Stalzer ay lalaro sa F2 Logistics, ang PSL first-timers ng Marinerang Pilipina na si Hana Cotura, Shainah Joseph ng Sta. Lucia, Chery Tiggo at Tatjana Bokan, at si Elizabeth Vicet Campos ng Generika Ayala.





Comments