top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Magramo, Handa vs. Nakatani para sa WBO Flyweight C’ship

Gerard Ace
Feb 20, 2020
1 min read

Susuntok para sa inaasam na titulo si Giemel “Pistolero” Magramo para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight championship laban sa undefeated Japanese na si Junto Nakatani para sa 12-round world title bout sa Abril 4 sa Korakuen Hall, Tokyo, Japan.

Ayon sa report ang 25-anyos na tubong Parañaque City ay bibitbitin ang kanyang 24 wins at isang talo kasama ang nakagugulantang na 20 knockouts laban sa mas matangkad na 22-anyos na Japanese boxer na may 20-0 marka na nagawa nang makapambiktima ng dalawang Pinoy boxers na sina Milan Melindo at Philip Cuerdo.

Kinilala ng WBO ang kasalukuyang WBO Oriental titlist bilang number 1 contender, habang numero 3 siya sa listahan ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO), samantalang pang-4th ito sa World Boxing Council (WBC) at 5th sa World Boxing Association (WBA).

Dating pinaghaharian ni Kosei Tanaka ng Japan ang naturang titulo na nagawa ng umakyat ng super-flyweight division.

Magtatapat ang no. 1 ranked at no. 3 na si Nakatani para sa bakanteng titulo na sunod na makakalaban ng no. 2 contender na si Angel Acosta ng Puerto Rico.

Ayon sa naturang report, hindi magiging balakid para sa nag-aasam na si Magramo ang height advantage ng kalabang Hapones dahil may mga nakalaban na ring mas matangkad sa kanya ang orthodox fighter na inaalagaan ni Johnny Elorde.

Makailang beses na rin umanong pinanood ni Magramo ang estilo ng laro ni Nakatani at nakitaan niya ito ng bentahe sa kanyang istilo na kaliweteng lumaban. Kumpiyansa rin ito na magagawa niyang magwagi sa laban. Ngunit hindi umano ito papakampante sa laban dahil alam niyang malakas ang kaliwang diretso at kanang uppercut nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page