Loyal daw sa pangulo… Hirit ni Dj Chacha: Sen. Bato, mag-resign na, mag-bodyguard na lang kay P-Dig
- Ronalyn Seminiano
- Feb 20, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Naglabas din ng hinaing si DJ Chacha ng MOR 101.9 tungkol sa naging pahayag ni Sen. Bato dela Rosa.
Tweet ni DJ Chacha nu’ng Feb. 18, “I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taumbayan.”
Ayon sa ilang ulat, nakarating sa kampo ni Sen. Bato ang tweet ni DJ Chacha at agad itong nagkomento ng: “Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang n’ya ay mag-chacha. Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long?
“Siya ang tanungin mo kung ang pag-express ko ng loyalty to the President is enough basis for me to resign.”
Sa totoo lang, nakakalungkot dahil ibinoto sila ng taumbayan para paglingkuran ang buong bayan at hindi ang isa o ang iilan lamang. Iniluklok sila ng taumbayan para gawin ang tungkuling kanilang sinumpaan para sa mamamayang Pilipino.
Sila na mambabatas ang dapat maging patas at walang kinikilingan o pinoprotektahan. Ano pa ang aasahan sa maliliit na sektor kung sila mismong mga nakaupo ay hayagan ang pagiging biased?
Well, ‘di naman siguro masamang maglabas ng opinyon since meron tayong freedom of speech, ‘di ba? So, peace out





Comments