Love raw talaga ng BF… Loisa, todo-thank you na 'di iniwan ni Ronnie kahit kumalat ang video sca
- Beth Gelena
- Feb 20, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: iamandalioloisa
Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilan ni Loisa Andalio ang mapaiyak nang tanungin ng King of Talk na si Boy Abunda hinggil sa isyung kinasangkutan niya last year.
May video scandal kasing lumabas nu’ng first quarter ng 2019 kung saan exposed ang boobs ni Loisa. Ayon sa young actress, okey naman na siya.
“Kuya Boy, okey naman na po ako. Hindi po nila ako iniwan nu’ng time na ‘yun. Saka natuto na rin po ako,” dugtong pa ni Loisa.
Laking-pasasalamat din ng young actress dahil ang boyfriend niyang Hashtags dancer-actor na si Ronnie Alonte ay naka-full-support sa kanya.
Very thankful si Loisa dahil ang akala niya ay hindi s’ya makakalabas sa kanyang comfort zone nu’ng time na ‘yun.
Napatunayan niyang mahal siya ng boyfriend dahil inalalayan daw talaga siya nang husto ni Ronnie. Siguro raw, kung ibang lalaki ‘yun, malamang ay iniwanan na siya sa ere.





Comments