Hubo't hubad na nagpapiktyur habang buntis…Anne, gaya-gaya lang sa mga hollywood stars?
- Erlinda Rapadas
- Feb 20, 2020
- 1 min read

Nagustuhan ng marami ang ginawang pictorial ni Anne Curtis kung saan nakabuyangyang ang kanyang kahubdan sa panahon ng kanyang pagbubuntis.
Malapit nang magsilang ng kanyang panganay na anak si Anne at siguro, tulad din ng hipag niyang si Solenn Heussaff, gusto niyang makita ang kanyang katawan habang siya ay buntis.
Ang ilang Hollywood celebrities din ay hindi nahihiyang magpakuha ng larawan na walang saplot noong sila ay buntis tulad na lang ni Demi Moore na naging cover pa nga noon ng magazine.
Hindi naman bastos tingnan ang hubad na larawan ni Anne dahil walang nakita sa kanyang private parts. Napaka-artistic nga ng mga shots kaya puwedeng ipagmalaki ni Anne.
For sure, type rin itong gayahin ng ilang preggy moms. At siguradong may permiso naman ng mister niyang si Erwan Heussaff ang nude pictorial ni Anne.
Pero may ilang kalalakihan pa rin ang napapa-‘Wow’ nang makita ang nakabuyangyang niyang katawan. Kahit kasi super-laki na ng tiyan ni Anne, napaka-sexy pa rin niyang tingnan at ang lakas talaga ng kanyang sex appeal.





Comments